Blog Archive

Thursday, May 21, 2009

Swine Flu: Ang Pakikibaka ng mga Baboy at wala lang.


Kawawa naman daw ang mga baboy, kaya ang swine flu pinalitan ng H1N1 sa Ingles,

sa kastila Huno Nuno,
sa Tagalog - Hisa Nisa.
Hmm, wala lang. He he he




Pero napag alaman na (daw) kung sino talaga ang salarin at nagkalat sa tao ng virus na ito, walang iba kundi ang batang ito.

Sa Pilipinas wala pa daw
ang virus na ito, pero papalapit na ng papalapit, kaya ang mga taga Divisoria nag-sisimula ng mag design ng mga masks. Hmm, mukhang kikita ang business na to a.



Pero wag naman sana magka Hisa Nisa dito. Kakatakot kaya yun. Naisip ko, baka naghihiganti ang mga baboy kasi laging nakakaladkad ang pangalan nila tuwing may mga scandal ang mga tao tulad ng ka-Babuyan ni Dr. Hayden at Katrina, Ethel Booba at Alex Crisano at kung sino-sino pa. Napakarami na. Uso din kasi yun.


Pero dahil walang magawa ang mga baboy, napagbalingan nila ang mga baka.


Sabi ng baboy sa baka, “Bakit ikaw di nila sinisisi, samantalang pag namatay ako, ang dami kong naibibigay sa mga tao – bacon, sausage, ham at kung ano ano pa!!

P
ero di nila kami na-aapreciate, samantalang ikaw! Gatas lang ang binibigay mo, pero mas appreciated ka nila!?”

Ang sabi naman ng baka sa baboy, “Nagbibigay ako sa kanila ng gatas habang buhay pa ko.

Alam ng mga tao na generous ako sa kanila kasi naibabahagi ko ang kung anong meron a
ko habang buhay pa ako.”

“Sam
antalang ikaw, nagbibigay ka lang ng bacon, sausage at kung ano ano pa pag patay ka na o kaya pag litson ka na!”

“Kung meron kang maibibigay habang buhay ka pa, mas ma-aapreciate ka. Hindi dapat palaging iniisip ang future. Mas importante pa rin palagi ang present.”

At biglang lumuha ang kawawang baboy. Sa kabila ng Dr. Haden-Katrina Scandal, Swine Flu at Economic recession, ito lang ang masasabi ko -

mag share ng blessing habang buhay ka pa.
He he he.

Yun lang
Bow. Kalabaw.





5 C O M M E N T S:

rel='nofollow'> Mokong™ Friday, May 22, 2009 5:10:00 PM  

komedyante ka pala tol...
hahaha!!! nag enjoy ako sa post mo...

rel='nofollow'> Crisiboy Tuesday, May 26, 2009 9:31:00 PM  

nice blogs prof..ang cool ng mga blogs mo..it prof ka pala..exchange links tyo pre..ano ba iaadd ko na blog mo sa sobrang dami..hehehe tnx sa comment sa blog ko..

rel='nofollow'> Prof. Yodz Wednesday, May 27, 2009 9:26:00 AM  

thanks crisiboy,
I already added a link to your blog.
Link this blog na lang siguro.
Thanks, hope to read more of you.

rel='nofollow'> gillboard Thursday, May 28, 2009 3:01:00 AM  

ang kulit! hehehe

rel='nofollow'> Bingkay Thursday, May 28, 2009 3:15:00 AM  

Lolz! funny. Enjoy basahin. Mga mask may designs agad.

Related Posts with Thumbnails

About the Blogger

Yodi Insigne
Yodi de Veas Insigne is one of those delusional sorts who imagines himself a useful contributor to the greater blogosphere (Well, that's what he's trying to accomplish).

He started blogging for three reasons:

1. He always felt he has something important to say,
2. Books can make him cry,
3. He want to sleep at night.

He is a certified bookworm, travel junkie, shutterbug, movie freak, Mangyan freethinker who sleeps a lot and think a lot. He got a little vice, which is black coffee and cashew nuts. He got colorblindness on yellow and green - and he freaking loves it!

Google+ Followers

Subscribe via e-mail

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

  ©Yodisphere 2010 Creativity is copyrighted

Back to TOP