Kilala mo ba si Dan Torres ng Bikol?

Si Danilo "Dan" Torres, isang Bicolano, nagpunta sa US para mag TNT.

Pumasok sya ng convenience store para bumili ng yosi.
Pagdating sa counter, sabi ng cashier, "MASTER VISA?"

Namutla si Dan! Sa isip-isip nya "Patay!
Hinahanap ang visa ko!"

Dali-daling lumabas ng tindahan, sumakay ng kotse at humarurot ng takbo. Paubos na gasolina nya kaya pumasok sa gas station at magpapakarga ng gasolina.

"Unleaded?"tanong ng gasoline attendant.
"Unleaded"sagot niDan.
"Pay first."sabi ng attendant.

Lalong namutla si Dan! "Patay! Hinahanapan ako ng papers!"
Iniwan nya ang kotse!
at dali-daling?naglakad
papunta sa phonebooth upang tawagan ang kapatid nya sa New York

"AT&T May I help you?"sagot ng operator.
Pinagpawisan ng malamig si Dan! "Pati operator
alam na TNT ako!"

May nakapilang PULIS na gagamit din ng telepono at tanong sa kanya... "
Are you done?"

Napatitig na lang si Dan sa PULIS! "Kilala siya...
AKO? Alam niyang DAN ang pangalan ko!"

sa isip-isip nya. Nang di makasagot si Dan,tinanong uli sya ngPULIS,
"Are you a tourist?"

Nanghina si Dan dahil pati apelyido niyang TORRES ay alam din ng PULIS!
At nang hihimatayin na sya, inalalayan sya ng
PULIS at sabi "BE COOL!"

"Inang ko po! Alam din nyang taga Bicol ako!

WAAAHHHH!

Uuwi na lang ako sa 'pinas!"

No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.