Batang Probinsya Ka Ba? Balikan natin yung masasayang larong Pinoy!
Sabi nga sa kantang "Kanlungan"
Panapanahon ang pagkakataon,
Maibabalik ba ang kahapon?
Syempre hindi, past is past - para syang toothpaste, pag nilabas mo na sa tube, di mo na maibabalik.
Pero yung masasayang feelings, pwede mong alalahanin at balik-balikan - sabi nga ni Peter Pan - think happy thoughts and you'll fly!
Eh san ka pa nga ba babalik kung happy memories din lang ang pag uusapan, syempre nung bata ka pa. Nung di ka pa tuli o wala ka pang mens. Ha ha.
Tara, balikan natin yung mga pinag ga gagawa natin nung bata pa tayo. Kung laking probinsya ka, baka pareho tayo ng mga trip.
Eto yung pinaka favorite ko, pagkatapos ng anihan, ang daming tumpok ng dayami sa bukid. Pupunta kami dun at mag t-tumbling tumbling. Gagawa ng mga butas, bahay bahayan, libing libingan at kung ano ano pang trip. Sobrang saya na namin nun - libre lang, walang entrance - eh likod bahay lang namin yung bukid. Yan yung larong lagi naming inaabangan pag summer - seasonal lang kasi yung bundok ng dayami, tsaka ilang weeks lang sinusunog na sya.
So dapat learn to enjoy the things while it's there.
Tapos syempre gugutumin kami kaka talon sa dayami, so diretso na kami sa bukid - mangunguha ng kung ano anong prutas na pwede makain - bayabas, duhat, kasoy, sinigwelas, paraiso at kung ano ano pa.
The best things in life are free talaga.
Tapos diretso na kami sa ilog para mag tampisaw. Swimming swimming, langoy langoy. Halos lahat kami bata pa lang marunong na lumangoy, natuto lang sa mga sarili namin - langoy aso ok na. Eto yung parte ng kabataan ko na talagang na enjoy ko - lumangoy, manghuli ng isda at kung ano anong lamang tubig. Kaya naman hanggang ngayon, gustong gusto ko pa rin talaga pumunta dun sa mga lugar na may waterfalls, dagat o ilog.
Dapat talaga tino-torture yung mga nagtatapon ng basura sa ilog at dagat. At sana limitahan na rin ang paggamit ng plastics. Para naman sa future, di lang sa video o sa picture makita ng mga bata yung malinis na tubig o dagat.
Eto pa yung pinaka gusto kong gawin, umakyat sa mga puno o kaya mag lambitin sa mga sanga. Ang pinaka paborito namin e puno ng bayabas, sobrang tibay. Sa trip na to, kelangan marunong ka mag kapit tuko, kung hindi titilapon ka.
Sabi nga sa totoong buhay, Kapit lang Bes, Wag kang bibitaw.
Pag weekend o kaya sa hapon pagkalabas sa school, larong kalye naman. Madalas namin laruin e patintero, sa probinsya kasi yung mga kalsada may guhit na, o may hati hati. Installment kasi yata ang pagsemento. Bakit nga ba may guhit guhit ang mga kalsada na square square? Tapos madalas, di magkakasing sukat. Ah basta.
Kelangan sa larong to liksi, diskarte at timing para makalusot. Yan yung mga mas importanteng bagay na di tinuturo sa school.
Pag kulang yung mga players sa patintero, luksong baka na lang. Di ko alam ang alamat ng larong to, dahil wala pa naman ako nakita na baka na tumatalon o tinatalunan. Dapat ang tawag dito, luksong spinal cord. Ang sakit kaya nito sa likod pag lagi kang taya.
Sabi dun sa commercial ng gatas "tibay resistensya at lakas nutrients" sus, mga yung bata noon, bayabas lang at luksong baka Tibay Lakas na.
Pero syempre nagbabago talaga ang panahon, wala tayong magagawa dun. Ang mga lalaki kinakasal na din sa lalaki at babae sa babae, kaya naman ang luksong baka, may Luksong Bakla na din. Mukhang di lang spinal cord ang labanan dito.
Hmmm, pano naman kaya kung Luksong Tomboy. Siguro pagkatalon diretso boksing.
Meron pa isa luksong tinik. Masaya din to kaya lang malaki ang chance na masipa ang mukha mo, kaya di ko to masyadong favorite - nasipa na kasi mukha ko sa larong to.
Basta, yung mga laro nun sobrang pisikalan - sikat ka nga nun kung magaling ka mag "Back-Dive"
Isa pang kinagigiliwan kong laruin noon eh yung Tumbang Preso, eto yung babatuhin nyo yung ng tsinelas yung lata tapos kelangan makuha nyo ulit yung tsinelas habang nakatumba yung lata. Basta ganun. Pero ayaw na ayaw ko ang larong to pag bagong bili ang tsinelas ko. Syempre magagasgasan. Tsaka pag bago ang tsinelas ko nun, halos ayaw ko isuot kasi maluluma agad. Aminin mo, baka ganun ka rin dati.
At ngayon ko lang din naisip na hindi kaya ang pinagmulan ng larong Tumbang Preso eh yung tinatawag na Extra Judicial Killing o EJK ngayon? Kasi baka dati pa tinutumba na talaga ang mga preso - kahit di nanlalaban. Tapos sa larong to, may tinatawag pa kaming "Pugot Ulo". Ah basta, Say No to Drugs.
Ang dami pa naming mga larong bata noon pero di ko na iisa isahin. Pag kwentuhan na lang natin sa comment section sa baba. Kwento mo na rin yung mga di mo malilimutang experience sa mga nilalaro mo nung bata ka pa.
At dahil marami pa kong ikukwento sayo, wag mong kalilimutan mag subscribe dito sa channel ko.
Hanggang sa Muli - Think Happy Thoughts!
No comments:
Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?