Blog Archive

Friday, March 06, 2020

Pinansyal na Talino at Kaalaman (PiTaKa ) - Mag-impok, Bawasan ang Paggastos [VIDEO]



OWWA sa OFW: Mag-impok, bawasan ang paggastos
Isang bagong programa sa savings at investment para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang inilunsad sa Malate, Maynila upang matiyak na matitipid at mapili nilang mabuti, kasama ng kanilang pamilya, ang mga bagay na kanilang pagkakagastusan.

Lumagda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at BDO foundation, sa isang memorandum of agreement na lilinang sa financial literacy ng mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng programang PiTaKa o ‘Pinansyal na Talino at Kaalaman.’

Kasabay ring inilunsad sa programa ang tatlong bidyo na naglalaman ng mga aral at mensahe ng PiTaKa na magsisilbing gabay sa mga Pilipinong migranteng manggagawa at kanilang pamilya upang maayos na gamitin ang nakukuha nilang remittance at makapag-impok o maglagak sa mga investment para sa mas magandang kinabukasan sa oras na bumalik na sila sa Pilipinas.


Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, layunin ng programa na mabigyan ng mas magandang perspektibo ang mga OFW at kanilang pamilya kaugnay sa tamang pag-iimpok ng pera.

“Ang PiTaKa ay may layuning tulungan ang ating mga bagong bayani at kanilang pamilya dito sa bansa upang mas lalong maintindihan ang pangangalaga ng kanilang kinikitang pera at gabayan sila sa maayos na kinabukasan,” wika ni Administrator Cacdac.

Isa rin sa pangunahing mensahe ng kampanya ay himukin ang mga OFW at kanilang pamilya na magtipid nang hindi bababa sa 10% ng natatanggap nilang remittance o itabi ito at ilaan sa investment para magamit kung kinakailangan.

Ang mga bidyo, na tumatalakay sa mga panuntunan sa pag-iipon at pag-iinvest, ay isasabay sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) at Post-Arrival Orientation Seminar (PAOS) na ibinibigay sa mga OFW.

“Ginawa ang mga bidyo upang madaling makapukaw ang atensyon at mas maraming OFW ang maabot gamit ang social media. Malaking tulong rin ito sa mga kampanya para sa financial literacy ng gobyerno at ng pribadong sektor,” dagdag pa ni Cacdac.

Sa pamamagitan ng adbokasiyang ito, umaasa ang OWWA na makapagbibigay ng maayos na kinabukasan sa mga OFW upang hindi na nila piliin pang umalis ng bansa.

Sa ilalim ng programa ay gagawa ng mga session guide training kits at magkakaroon ng Training of Trainers (TOT) para sa mga OWWA trainer, at OWWA Accredited PDOS/PAOS provider upang matiyak na magiging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing programa sa financial literacy.


No comments:

Post a Comment

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

About the Blogger

Yodi Insigne
Yodi Insigne is one of those delusional sorts who imagines himself a useful contributor to the greater blogosphere (Well, that's what he's trying to accomplish).

He started blogging for three reasons:

1. He always felt he has something important to say,
2. Books can make him cry, and cliff jumping can make him high,
3. He want to sleep at night.

He is a self-certified bookworm, travel junkie, shutterbug, movie freak, Mangyan hiker who sleeps a lot and think a lot. He got a little vice, which is black coffee and cashew nuts. He got colorblindness on yellow and green - and he freaking loves it!

Connect with Yodi

Let us connect on FacebookLet us connect on TwitterSubscribe to posts via RSS Watch my Videos

Follow me on Instagram

Subscribe via e-mail

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

  ©Yodisphere 2010 Creativity is copyrighted

Back to TOP