BIKING at EDSA » Mall of Asia » CCP » Roxas Blvd. » Luneta » Intramuros | Fun Road Bike Cycling in Metro Manila

Fun weekend road biking / cycling along EDSA going to Mall of Asia (MOA) area then going to Cultural Center of the Philippines (CCP) to Roxas Blvd. passing Luneta Park then Intramuros.

Subscribe to my Youtube Channel: Yodi Insigne


Kumusta mga ka-adventure, dahil sarado pa ang mga bundok at beach biking muna tayo.


From Boni, dadaan tayo sa EDSA papuntang Mall of Asia. Chill ride lang dahil bago pa lang kami sa biking. Nag decide kami na bumili ng bike para maka punta naman sa medyo malayo. 


Part na rin ng new normal kung baga. Medyo hindi pa rin kasi regular yung mga public transpo.


Tsaka pang weekend adventure na rin aside from biking to work. Medyo matagal tayo na stuck sa quarantine kaya pampawais na din.


Sunday ngayon kaya medyo maluwag pa yung EDSA, pero doble ingat pa din kasi wala pa talagang dedicated at protected bike lane sa EDSA.


Kelangan natin ng matinding concentration at focus para sa safety. Kelangan alert at all times.


Pagdating dito sa bandang Ayala, medyo alanganin kasi yung mga bus sobrang tagal magpuno ng mga pasahero dun sa ilalim ng MRT station kaya dito kami sa bandang kaliwa dadaan. Medyo alanganin kumaliwa kaya kelangan look behind para sure kung may safe na break sa traffic.


Masaya ang mag bike pero importanteng tandaan na ang bike isang sasakyan kaya kelangan sundin lahat ng traffic laws.


Kelangan din matutong sumingit lang kung safe at kaya lalo na sa mga bus. 


Siguro yung mga sanay na mag bike, normal na lang sa kanila tong mga humaharurot na bus - pero ako medyo kabado talaga pag kasabay ko tong mga to lalo na dito sa part na to ng EDSA.


Sana lang talaga magkaroon ng safe bike lanes dito. Medyo challenging din yung mga bus na biglang tatabi at titigil para magbaba at magsakay ng pasahero.


Pagdating dito sa Magallanes, mas gusto namin tumawid dito sa park. Para makapag stretch konti. Sana lang din mas maraming city parks at open spaces na ganito - lalo na yung mga green spaces - nakaka relax.


Di lang pala puro padyak tong biking, nakakalaki din pala ng biceps. Kaya pala ang daming mas gusto na sobrang gaan ng bike nila. 


Balik tayo sa EDSA, pagdating dito sa bandang Pasay, ang dami ng mga taxi na ginagawang terminal yung mga tabing kalsada - lalo na sa mga ilalim ng MRT stations.


Dun na din sila nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero kasabay ng ng e-jeepney. Kaya dito mapapraktis yung mga singit skills natin.


Along EDSA marami ka ding makikitang mga moments - katulad nito si Kuya na dog lover.


Kelangan hindi lumilipad kung saan yung utak pag nag b-bike dito sa EDSA kasi ang daming biglang mga lumalabas na obstacles. Buti na lang nag p practice ako ng mindfullness meditation - yun bang training sa utak para laging nasa present moment. 


Pagdating dito sa TAFT Ave. naglalabasan na yung mga ibang bikers na papunta din sa MOA area - dun kasi talaga masarap at safe mag bike.


Teka lang, nakikita nyo ba sya - ayun oh! Model ng overpass. 


Papasok ng Mall Of Asia area medyo maluwag na. Dito naman mga bikers ang traffic. Nakaka inspire kasi mixed crowd - may bata, matanda at iba bang klase ng bikes ang makikita mo.


Malinis din yung area at may dedicated bike lanes - Salamat SM for making this area bike friendly.


Nakaka amaze din yung mga building designs. Actually ngayon ko lang na appreciate to. Ngayon lang kasi ako naka-ikot dito na naka bike - dati kasi diretso agad ako sa loob ng mall pag nagpupunta dito.


Malinis na din yung mga river systems going to Manila bay. Di na sobrang baho tulad dati. Ok pala talaga mag bike dito pag umaga - maluwag ang mga kalsada - konti lang ang mga dumadaan na sasakyan at karamihan mga bikes lang. 


May mga madadaanan din na mga greeneries - kaya nakaka relax - dagdag pa yung sikat ng araw sa umaga - nakaka energize talaga - sulit talaga yung desisyon namin na bumili ng bike.


Marami din dito mga mukhang professional cyclists - ang bibilis - kaka inggit 


Naisip ko - magiging ganun din kaya ako someday? Hmmm, sa ngayon hiking at beach pa din talaga yung first love ko. Pero parang gusto ko din i-try yung magmabilis - Basta wag lang sa EDSA.


Pagka ikot namin dito sa may MOA area - target naman namin Roxas Boulevard - yung papunta dun OK din yung daan - maluwag pa naman.


Bandang CCP area lalong dumadami yung mga bikers - ang saya - parang fiesta. Sana mas lalo pa dumami yung mga gumagamit ng bike lalo na sa everyday commute like going to work - syempre hindi lang sa fitness at health - makakatulong din sa environment dahil mas ma le lessen din natin yung pollution galing sa usok ng mga sasakyan - at syempre tipid pa.


Sa pag b bike kelangan din ng mahabang pasensya at pag-uunawaan - iwas road rage dapat. 


Papasok ng Roxas Blvd, lalo dumami mga bikers - palagay ko karamihan gusto makita yung sikat at kontrobersyal na white dolomite beach.


Ang challenge naman dito yung mga dambuhalang truck - nakaka kaba ulit. Daan kasi to papunta sa port area so madami talagang humaharurot na trucks - kaya doble ingat ulit.


Eto nadaanan namin yung sikat na white dolomite beach - grabe yung crowd - grabe talaga siguro yung effect ng ma-quarantine ka ng matagal. 


Dumiretso na lang kami dun sa Rizal Park para magpa picture sa kilometer zero.


Teka nagagalit si Kuya - gamitin daw ang bike lane - Oo nga naman.


Syempre kelagan may souvenier picture din kami sa sikat na kilometer zero sa Rizal Park. 


Then diretso kami sa Manila Cathedral para mag thank you kay God....




   

No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.