PAALALA: Sa mga PASAHERO, DRAYBER at KONDUKTOR ng Pampublikong Sasakyan - MRT, LRT, BUS, JEEPNEY


SEVEN (7) COMMANDMENTS para sa mga PASAHERO, DRAYBER, OPERATOR at KONDUKTOR ng pampublikong transportasyon

https://dotr.gov.ph/55-dotrnews/2512-paalala-may-7-commandments-na-kailangan-sundin-ng-mga-pasahero-drayber-at-operator-ng-mga-pampublikong-transportasyon.html Sa kapit-bisig nating pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic, pinapaalala ng Department of Transportation (DOTr) ang mahigpit na pagtalima ng lahat sa mga sumusunod na 7 Commandments upang maprotektahan ang ating kalusugan habang nasa loob ng pampublikong sasakyan: 1. Magsuot ng face mask at face shield Kailangang natatakpan ng face mask ang ilong at bibig. Ang face shield naman, dapat ay full o natatakpan ang mukha mula noo hanggang sa baba. Magsisilbing essential armor of protection ang mga ito upang ‘di mahawa o makapanghawa. 2. Bawal ang pagsasalita, pakikpag-usap o pagsagot ng telepono Sa paraang ito, maiiwasan ang pagkalat ng virus mula sa resperatory droplets na maaaring maging sanhi ng pagkahawa ng ibang pasahero sa loob ng transportasyon. 3. Bawal ang pagkain Sa paraang ito, bukod sa mapapanatili natin ang kalinisan sa loob ng transportasyon, maiiwasan din natin ang pagtanggal ng FACE MASK at FACE SHIELD na nagsisilbing essential armor of protection natin upang hindi tayo mahawa at makapanghawa sa kapwa natin pasahero. 4. Kailangang may sapat na ventilation Batid ng Department of Transportation (DOTr) ang kahalagahan ng tamang ventilation sa loob ng mga pampublikong sasakyan upang makatulong sa pagpapababa ng risk ng pagkahawa sa virus. Kaya naman, ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na masusi itong pag-aralan ng mga sektor upang maipatupad ng wasto. Ang mga bintana ng mga pampublikong sasakyan ay mas mainam na buksan upang makadaloy ng maayos ang hangin. Kung wala namang bintana, nararapat na mayroon itong modern ventilation system, o kaya naman ay lagyan ng alternative engineering solution para sa maayos na sirkulasyon ng hangin sa loob ng sasakyan. 5. Kailangang may frequent disinfection 6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger 7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing (one seat apart) Ang mga health and sanitation protocols na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng mga health experts na kinakailangang isapuso at sundin ng mga pasahero, driver, konduktor, at maging ng mga operator. PAALALA: Upang ligtas na maipatupad ang “ONE-SEAT APART RULE” sa loob ng mga pampublikong sasakyan, pinapaala ng Department of Transportation (DOTr) ang mahigpit na pagsunod ng nga driver, operator, at pasahero sa mga sumusunod na PITONG (7) UTOS na inirekomenda ng mga health experts upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Lubhang importante po na istriktong sundin at isapuso natin ang 7 COMMANDMENTS na ito upang tayo ay maging ligtas habang bumibiyahe. HUWAG KAKALIMUTAN, FRIENDS! PAALALA SA MGA DRIVER, OPERATOR AT KONDUKTOR, ugaliing maglagay ng mga disinfectant gaya ng SANITIZER o ALCOHOL sa loob ng inyong mga sasakyan. Siguraduhin din ninyo na GUMAGANA at MAY BATERYA ‘yung mga thermal scanner ninyo. Hindi ‘yan display o accessory. GAMITIN NINYO. Huwag n’yo nang hintayin na masampolan kayo. Sa mga pasahero naman po, ugaliing magsuot ng face mask at face shield kapag sasakay sa mga pampublikong transportasyon. Para sa kapakanan n’yo din po ‘yan. Wala pong mawawala kung triple ang gagawin ninyong pag-iingat. Ang virus, walang pinipili. Malaki ang maitutulong ng inyong kooperasyon at pakikiisa sa pagpapatupad ng mga commandments na ito upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng publiko. IPANALO NATIN ANG LABAN KONTRA COVID-19—PARA SA ATING PAMILYA, PARA SA ATING BAYAN. PILIPINO TAYO, BABANGON TAYO. #DOTrPH🇵🇭 #BeatCOVID19 #WeHealAsOne #WeRecoverAsOne Video Source: https://www.facebook.com/DiyosaLibiran/videos/1702791199880218 From: Asec. Goddes Hope Libiran / Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs of the Department of Transportation (DOTr) FB Page: https://www.facebook.com/DiyosaLibiran/ THE 7 COMMANDMENTS Recent developments in our collective fight against the COVID-19 pandemic are showing signs that we are making improvements in slowing down the virus spread. But it is not over yet. We still have to remain vigilant and conscious of our surroundings and environment, most especially in the public sphere, until such time that we can truly say that we have conquered and eradicated Covid-19. It is why your Department of Transportation (DOTr) continues to uphold and push for the strict observance of health and safety measures, even as we gradually increase public transport capacity as part of our calibrated approach in transitioning our people to the new normal.


No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.