NAIA Exclusive Airport Parking Para sa Mga License Manning Agency (LMA) na Magsusundo ng mga Seaman



Lahat ng transport services ng mga LMA mag susundo ay may designated area na  sa NAIA Terminal 3 para mag antay sa mga Seafarers. Ito ay sa tapat lang ng gate 5 na parking area 

Exclusive lamang ang parking area na ito para sa mga LMA na mag susundo.  Bawal na ang mag park o mag antay sa Service Road.

Mas convenient sa mga LMA para di sila paalisin sa Service Road pag matagal lumabas ang mga Crew nila.

Maglalagay sila ng placard sa harap ng sasakyan nila base sa napagkasunduan ng Airport Police Department at Under Secretary DOTr Del Rosario para papasukin sila doon sa parking na for LMA exclusive lang.

Bawat LMA ay required na mag dikit ng logo sa itaas ( logo/placard) sa gagamiting sasakyan ng mag susundo. 


________________
Source: NAIA-MARINA-LMA OSS Viber Group
MARINA Navigators

No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.