Libreng Theoretical Driving Course for Aspiring Drivers | LTO Region 3 - San Fernando, Pampanga
LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE FOR ASPIRING DRIVERS, HANDOG NG PINAKABAGONG DRIVER’S EDUCATION CENTER ng LTO Region 3! Nagbukas sa publiko noong Agosto 2020 ang Land Transportation Office (LTO) Region 3 Driver's Education Center sa San Fernando, Pampanga upang makatulong sa pag-hulma ng kaalaman ng ating mga kababayang nagnanais na makakuha ng student permit para sa pagmamaneho.
Ito ay mayroong dalawang (2) fully-air conditioned lecture rooms, isang library upang makapagbigay ng learning materials para sa ating mga aspiring drivers, at isang examination room kung saan isinasagawa ang Theoretical Driving Course (TDC).
Take note... LIBRE itong ibinibigay sa mga aspiring drivers ha! WALA PO ITONG BAYAD.
Ang pagsailalim sa 15-hour Theoretical Driving Course na ito ng mga aplikanteng nagnanais makakuha ng student permit ay bahagi ng programa ng Department of Transportation (DOTr) at ng LTO na maiayos at mas maitaas ang antas ng mga drivers na mabibigyan ng lisensya. Ito ay dahil nais nating mas maging ligtas ang daan at magkaroon ng mga responsableng drivers sa kalsada.
Upang mapanatiling ligtas ang mga estudyante at lecturers, sinisiguro din ng LTO Region 3 na lahat ng health at safety protocols ay isinasagawa sa loob ng center, kabilang na ang pagpapanatili ng physical distancing, kaya hanggang 12 students lamang ang maaaring makapasok sa bawat lecture room.
Kinakailangan ding magsuot ng face mask at face shield ang mga empleyado at aplikante, magpa-temperature check, at mag-fill-up ng contact tracing forms, bago pumasok sa pasilidad.
Mayroon ding Road Safety Theme Park ang center, kung saan may nakalaang maneuvering track na LIBRENG magagamit ng ating mga kababayang kukuha ng Practical Driving Course (PDC).
Dagdag pa rito, mayroon ding iba’t ibang road safety signages, pavement markings, at iba pang reminders, na maaari ring makatulong sa ating mga aplikante. Kaya naman, bago sila magkaroon ng lecture, ay nagkakaroon muna sila ng walk-through rito, upang makita nang aktwal ang dapat at hindi dapat sa pagmamaneho.
KALIGTASAN at KAAYUSAN sa kalsada—ito ang hangad natin sa ating bansa. Layunin ng makabagong pasilidad na ito na maging standard of excellence, sa pamamagitan ng pagtuturo upang tiyaking responsable, matalino, at disiplinadong ang mga drayber at motorista sa ating mga daan.
#DOTrPH🇵🇠#LTOWorks #LTOR3works #RoadSectorWorks
No comments:
Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?