Trending Video: Devil Crab o Kuret - Ang Alimango Na Nakalalason at Nakamamatay
Masarap ang limango pero meron palang klase nito na nakalalason na syang nakain ng isang pamilya sa Cagayan kaya pare pareho silang napahamak.
Sa mga kainan, paboritong ulam ang alimango o alimasag. Bago nyo ito himay himayin, kurot-kurutin anf aligi at sipsipin ang msa sipit titigan munang maigi ang inyong kinakain. Dahil baka po matulad kayo sa isang pamilya sa Sta. Ana Cagayan na pagkatapos kumain ng isang uri ng alimango nasipit ni kamatayan!
Nangisda raw noon si Eugenio ng may nalambat siyang anim na alimango na iniluto ng kanyang misis. Niluto ni misis ang alimango ng 30 minuto upang masiguro na ito ay lutong luto at kulong kulo.
Pinagsaluhan nila itong mag-anak. Ang sabi ng misis tirhan daw sya kahit isa lang - dahil mukhang nakarami na ng kain ang kanyang pamilya. Ngunit natikman ni Misis na iba ang lasa ng alimango. Medyo maasim daw.
Pero matapos lang daw ang ilang minuto, ang anak na dalawang taong gulang ay biglang nagsuka pati na rin ang isang limang taong gulang na anak ay itinakbo na din sa ospital. Nakita ng ina na hindi na makahinga ang kanyang mga anak at nagbabara na yung lalamunan. Umaayos ang kanyang anak ng panandalian ngunit sa ilang saglit ay muling nawawala ang tibok ng puso ng mga ito. Lubhang natakot ang ina dahil baka kung ano na ang mangyari sa kanyang mga anak.
Hindi na mapakali ang ina dahil nag aagaw buhay na ang kanyang mga anak. Ang limang taong gulang na si Clark dead on arrival sa ospital. Habang ang kapatid nito ay sunod na binawian ng buhay. Ang kanilang nanay na si Mylene, masuwerting hindi nalason. Pero ang kanyang mister na si Eugenio na comatose.
Noon itinakbo ang mister sa ospital at habang nasa ICU ay wala na siyang malay. Ang isa nyang anak na nagdala sa kanya san ospital na isa din sa mga anak nya ay parang nawalan na din ng pag-asa dahil ang akala niya ay mamatay na din ang ama nya.
Anong klaseng alimango kaya ang gumawa nito sa kanila pamilya?
Screencrab: Poisonous Crab o Devil Crab | "Kuret" ang nakalalason na alimango |
Sa isla Palaui sa Santa Ana Cagayan makikita ang uri ng alimango na ito na pagapang gapang sa mga batuhan at lumalaki ng hanggang sampung sentimetro. Anh shell nito ay batik batik na pinaghalong kulay pula at kahel. Ito ang binansagang "devil crab".
Sinasabing ang klase ng alimango na ito ay talagang lubhang nakakalason at ito ang uri ng alimango na inulam ng namatayan. Mataba ito at malaman.
Pero dito sa Norte, ang tawag dito "kuret" sa salitang Cagayan na ang ibig sabihin "lason". Dahil ang alomanong ito talaga palang nakalalason.
Of the nine species ng alimango na meron sa Pilipinas, siya ang may pinakamatapang na toxins. Yung kanyang muscles (taba) including yung kanyang carapace ay mayroong toxins. Yung toxin na nasa katawan ng devil crab ay hindi naaalis kahit na ito ay pakuluan ng ilang oras.
Ang crabs na ito ay nagtataglay ng dalawang toxins. Yung tetrodotoxin at saxitoxin. Wala pang antidote para sa toxin na ito ayon kay Dr. Jefferson Soriano, OIC-Regional Fisheries Laboratory ng BFAR-Region 2. Ayon pa kay Dr. Soriano, hindi dapat kainin ang uri ng alimango na ito.
Noong taong 2014 sa La Union, nalason din ang isang mag-anak matapos kumain ng kuret. Samantalang sa Loon sa Bohol, isa ding residente ang namatay matapos papakin ang deadly alimango.
Samantala ang padre de familia ng pamilya Cuabao na si Eugenio, na comatose pagkatapos kumain ng kuret. Makalipas ang dalawang araw, nagising at nakaligtas si Eugenio. Ngunit nahihilo sya at hindi makabangon at sya ay nagsusuka.
Ayon kay Dra. Vivien Irene Pagayatan, depende sa dami ng toxin na nakain - kung mas kakaunti ay pwedeng maka rekober o pwedeng mild lang ang sintomas. Pero kung marami ang na-intake na toxin, pwedeng severe ang manifestation including death.
Narinig na raw ni Eugenio noon na nakalalason ang kuret pero binalewala raw niya ito dahil noong linggong yun, kumain din daw ng kuret ang kapwa nya mangingisdang si Walden. Pero wala naman daw ditong nangyare.
Ayon kay Walden tinanong siya kung malaman daw bayung alimango na yun. Pero dati na daw nilang kinakain yun. Ang mga tiga BFAR pina alalahanan muli ang mga mangingisda sa bayan ng Santa Ana sa mga panganib ng pagkain ng kuret.
Number 1 poisonous crab in the Philippines ang kuret. Ayon sa BFAR, wag na po tayong magbakasakali. Samantala paga discharge sa ospital ni Eugenio, dito pa lamang naipagtapat ni Mylene na ng dahil sa alimango, wala na ang dalawa nilang anak.
Lubos ang hinagpis ni Eugenio. Ayon naman sa nakatatandang kapatid ay sana siya na lamang ang namatay dahil sobrang bata pa ng kanyang mga kapatid. Ang inang sy Mylene naman, ay parang takot na takot na na kumain ng alimango kahit kelan dahil sa trauma. Nanawagan din siya sa mga ka-lugar nya na kung gusto nilang kumain ng alimango, kilalanin muna itong mabuti para hindi matulad sa sinapit ng kanilang pamilya.
Hindi lahat ng iniluluwa ng dagat ay biyaya. May ilang kayang manipit pababa sa hukay.
Para sa mga nain tumulong sa pamilya nina Mylene at Eugenio, magdeposito sa:
Landbank of the Philippines
Account Name: Eugenio Q. Cuabao
Account Number: 0866187312
Credits:
______________
Aired (February 21, 2021): Sa Cagayan, isang pamilya ang nalason matapos kumain ng isang uri ng alimango! Anong klaseng alimango nga ba ang kanilang nakain? Panoorin ang video.
'Kapuso Mo, Jessica Soho' is GMA Network's highest-rating magazine show. Hosted by the country's most awarded broadcast journalist Jessica Soho, it features stories on food, urban legends, trends, and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:40 PM on GMA Network.
No comments:
Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?