Delubyo - Ano Ang Puno't Dulo? | Dulang Pangkalikasan [Forest Protection & Environmental Awareness]
Handog ng Forest Foundation Philippines at Tabsing Kolektib ang dulang pangkalikasan na ipalalabas sa porma ng isang pelikula - Ang Higanteng Haligi Sa Hilaga. Batid ni Kwatang Tapal na hindi delubyo ang tawag sa trahedyang dinaranas ng tao. Ang video na ito ay nagpapakita ng ng mga masamang epekto ng mga basura, pagputol ng puno at ang pagsasawalang bahala sa kalikasan. Ipinapakita din dito ang epekto ng climate change sa Pilipinas at kung paanong ang mga tao ay ang tanging mga responsable sa pagkasira ng kalikasan ng ng mga sari saring delubyo na nangyayari sa Pilipinas.
Ang Higanteng Haligi Sa Hilaga ay isang dulang isinapelikula na handog ng Forest Foundation at Tabsing Kolektib, sa panunulat ng Palanca awardee at Forest Foundation Philippines grantee na si Eljay Deldoc. Ipinapakita ng pelikulang ito ang magkakaibang pananaw at paraan ng pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng ating mga kagubatan. Ito ay sa paglalayong magsimula ng diskurso sa mga kabataan tungkol sa forest protection at conservation.
PANOORIN ANG BUONG PELIKULA DITO: http://bit.ly/HHHONHD.
#LetsGrowTogether #WithNatureWeThrive
Together with Works of Eljay Castro Deldoc and Miriam College (formerly Maryknoll) Environmental Studies Institute, we staged Ang Higanteng Haligi Sa Hilaga, an interactive play that elicits community discourse around forest conservation.
The Forest Foundation Philippines, in partnership with Eljay Castro Deldoc, staged Ang Higanteng Haligi Sa Hilaga, an interactive play that elicits community discourse around forest conservation.
Set in the mountains of Sierra Madre, the play followed the story of Mameng, a teenaged forest dweller who wants to save an old kamagong tree from being cut. She tries to find the logger before it’s too late, and along the way, meets Jade, a yuppie from the city wandering about in the forest. They come across familiar figures, such as a businesswoman who owns a mining company, a councilor who spearheads a reforestation initiative, and a traditional healer who believes in the power of nature.
Forest Foundation awarded a grant to Eljay Castro Deldoc, a Palanca award-winner, to write and direct the play. The play’s artistic team included Marco Viana, Yuri Sta. Maria, Gabo Tolentino, Cyril Balderama and Dale Magsino. The cast included Manok Nellas, Bianca Meer, Drew Espenocilla, Paw Castillo and Joe Garcia.
Naghambalang na puno at poste ng kuryente
Nakabalandrang ref, kompyuter, at kotse
Naghasik ng mabagsik na lason, at usok
Mga lumulutang na kabaong sa Ormoc
Hindi delubyo ang tawag dito
Mga katawang nilunod ni Milenyo
Laksang lupa na pinaguho ni Sendong
Inanod na buhay ng mga daluyong
Ibinuhos na luha ni Glenda
Bangnungot na dala ni Yolanda
Hindi delubyo ang tawag dito
Ang tawag dito ay tao
Ang puno't dulo ay tao
Direksyon nina Marvin Caro at Eljay Castro Deldoc
Orihinal na Dula ni Eljay Castro Deldoc
Disensyo ng Produksyon ni Marco Viaña
Koryograpiya ni Cyril Baldera
Disenyo ng Musika at Tunog nina JM Hinumdum at MJ Balingit
Pamamahala ng Produksyon ni Pat Tandoc
No comments:
Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?