Top Adsense

Surat Mangyan - Kahusayang Pampanitikan ng mga Hanunuo-Mangyan sa Oriental Mindoro [Buwan ng Panitikan]

Ambahan Surat Mangyan - Kahusayang Pampanitikan ng mga Hanunuo-Mangyan sa Oriental Mindoro [Buwan ng Panitikan]


Pagdiriwang ng Buwan Ng Panitikan ngayong Abril 2021 na may temang “500 Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino.” 


Ibinabahagi ng #PambansangMuseoPH ang kahusayang pampanitikan ng mga Hanunuo-Mangyan sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Ang kanilang nagpapatuloy na tradisyon sa pagpapantig na pagsulat na tinatawag na surat Mangyan ay nauugnay sa pagtatala at pag-aaral ng ambahan / umbahan, isang matalinghagang tula na may pitong pantig bawat linya, gamit ang sinaunang talasalitaang Hanunoo. 


urukay surat mangyan mindoro


Ang mga taludtod ay karaniwang nakaukit sa mga biyas ng kawayan o kagamitang yari sa kahoy kagaya ng luka (sisidlan ng tabako), apugan (sisidlan ng apog), bayi (pana), mga instrumentong pang-musika, at maging sa mga bahagi ng bahay. Ayon sa antropologong si Antoon Postma, bagaman ang pinakalumang sanggunian ukol sa ambahan ay matatagpuan sa isang lathalang antropolohikal na Aleman ng 1895, karamihan sa mga tula ay naibabahagi sa mga henerasyon sa pamamagitan ng patuloy na pagsipi nito mula sa kanilang mga ninuno. 


urukay surat mangyan oriental mindoro


Ang patulang pagpapahayag na ito ng mga Mangyan ay ginagamit ng mga magulang upang turuan ang kanilang mga anak, ng mga kabataan sa pagliligawan, at ng isang punong-abala sa pagsalubong sa mga bisita. Kapag may panlipunang pagtitipon, ang ambahan ay binibigkas sa saliw ng pang-musikang instrumento tulad ng gitara, gitgit (biyolin), plawta, at alpang pambibig. Natututunan ng mga batang Hanunuo ang pagpapantig sa pamamagitan ng pagmamasid, pagtatanong, paggaya, at palagiang pagsasanay sa pagsasalin ng awit o tula sa mga lalagyan ng tabako o apog.


urukay / urukai (erekey sa Kuyunon), isa pang uri ng tula ng mga Hanunoo-Mangyan


Ang urukay / urukai (erekey sa Kuyunon), isa pang uri ng tula ng mga Hanunoo-Mangyan, ay may tig-walong pantig sa bawat linya. Ipinakilala ito sa mga Hanunoo mula sa hilagang bahagi ng Dagat Sulu, at karaniwang binubuo ng talasalitaan ng kanlurang Bisaya at mga salitang hiram na Kastila. Halos ang mas nakatatandang henerasyon na lamang ang gumagamit nito, kaya hindi gaanong kilala kumpara sa ambahan, at karaniwang inaawit kasabay ng gitara.


Bukod sa matulaing gamit nito, ang papantig na sulat ay ginagamit din sa mga liham ng pag-iibigan at iba pang mga liham katulad ng paghiling o pag-abiso sa mga seremonyang gaganapin. Isinusulat din nila ang mga dasal sa baybayin bilang paghahanda sa ritwal ng paglilipat ng tanim. 


Ang sulat baybayin ng mga Hanunoo at Buhid (Bukid / Bu’id / Bongabong) sa lalawigan ng Mindoro, kasama ng mga Tagbanua (Tagbanwa / Tagbanuwa) at Pala’wan (Palawano / Palawanin) sa lalawigan ng Palawan ay magkakasabay na idineklara ng #PambansangMuseoPH bilang Pambansang Yamang Pangkalinangan noong 1997 at opisyal na naitala sa UNESCO Memory of the World Registry noong 1999. Ang mga ito ay kabilang sa eksibisyong Baybayin: Mga Sinauna at Tradisyonal na Panulat sa Pilipinas sa Pambansang Museo ng Antropolohiya simula pa noong 2014.



Teksto at larawan mula sa NMP Sangay ng Etnolohiya

©Pambansang Museo ng Pilipinas (2021)

--------------------------------------------------------


ENGLISH TRANSLATION


Celebration of the #BuwanNgPanitikan this April 2021 with the theme “500 Years of Writing the Filipino World.” 


The #NationalMuseumPH shares the literary prowess of the Hanunoo-Mangyan in the province of Oriental Mindoro. Their continuing tradition of alpha-syllabic script writing called surat Mangyan is associated with the recording and learning of the ambahan  / umbahan, a metaphoric poem with seven-syllable lines using archaic Hanunoo vocabulary. Its verses are often engraved on bamboo internodes and wooden objects such as luka (tobacco containers), apugan (lime containers), bayi (bows), musical instruments, and even on house beams. According to anthropologist Antoon Postma, though the oldest reference to the ambahan can be found in a German anthropological publication of 1895, most poems have been handed down through generations by continuously copying them from their ancestors. 


This Mangyan poetic expression is used by parents to educate their children, by young people during courtship, and by a host in welcoming visitors. During social gatherings, the ambahan is recited with accompanying musical instruments such as guitar, gitgit (fiddle or violin), and Jew’s/jaw’s harp. Hanunoo children learn the alpha-syllabary through observations, inquiry, imitation, and constant practice by transcribing the chants onto tobacco or lime containers.


The urukay / urukai (erekey in Kuyunon), another kind of poem of Hanunoo-Mangyan, consists of eight-syllable lines. It was introduced to the Hanunoo from the northern Sulu Sea and predominantly composed of western Visayan vocabulary and Spanish loaned words. It is almost exclusively used by the older generation, thus, less popular than the ambahan, and sung mostly with a homemade guitar accompaniment. 


Aside from its poetic function, the Mangyan script is also used for love letters and other correspondences such as request letters and ceremonial notifications. Their prayers are also written in the script in preparation for transplanting rituals.


The alpha-syllabic scripts of the Hanunoo and Buhid (Bukid / Bu’id / Bongabong) in the province of Mindoro and Tagbanua (Tagbanwa / Tagbanuwa) together with Pala’wan (Palawano / Palawanin) in the province of Palawan were collectively declared by #NationalMuseumPH as National Cultural Treasures (NCT) in 1997 and inscribed in the UNESCO Memory of the World Registry in 1999. These are included in the Baybayin: Ancient and Traditional Scripts in the Philippines exhibition at the National Museum of Anthropology since 2014. 



__________________

Text and posters by NMP Ethnology Division

©National Museum of the Philippines (2021)

No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.