Top Adsense

Ang Pakikibaka Ko Bilang Isang Commuter

Medyo mahirap talaga pag malayo ang bahay mo sa work. Tapos wala ka pang sariling sasakyan. Fresh na fresh kang lalabas sa bahay, pero pagdating mo sa work, pasalamat ka na kung di ka masyadong mukhang basahan at nakukuha mo pa ring ngumiti. Challenge talaga sa pasensya mo pag commuter ka sa Manila. Naalala ko lang kasi dati uwian ako from Montalban, Rizal going to my work sa Mandaluyong, pero ngayon nag b-board na ko malapit sa work. Ibig sabihin, dati, isa ako sa mga nakikibaka araw-araw, para maka pasok sa trabaho na hindi late.

Una, sasakay ako ng tricycle. Siyempre mahal ang pamasahe pag mag-isa ka lang na pasahero. Siguro mga 25 pesos. Ang tawag nila dun “special”. Pag medyo gusto mo kunwari sosyal ka, mag a-avail ka ng especial ride… pero ganun din, mauusukan ka rin at maamoy mo rin ang driver na madalas eh amoy di-nilalabhang basahan na ipinang-punas sa suka na natapon sa malansang lamesa. Siyempre para sa pangkaraniwang mamamayan na katulad ko, e maghihintay na lang ako ng iba pang pasahero – 6 pesos lang – pero nagtaas na ata, 8 pesos na ata. Swerte mo pag medyo kaakit-akit sa paningin ang makatabi mo. Malas mo naman pag lumba-lumba.


So, after ko mag tricyle jeep naman. Favorite ko na pwesto yung sa dulo, kasi di ka abot ng abot ng bayad. Malas mo pag dun ka naka pwesto sa malapit sa driver. Wala kang magagawa kundi magpa alila sa mga kapwa mo pasahero. Wala kang gagawin kundi mag abot ng bayad ng mga pasaway na pasahero kahit na magtulog tulugan ka pa. Kasi it is an “unwritten rule” pag sumakay ka sa jeep.


Pagbaba ko ng jeep, tatakbo naman ako sa MRT, sa Quezon Ave. station. Siyempre rush hour, so isang malaking himala pag dumating ka na walang pila sa MRT. Feeling ko isa akong penguin habang nasa pila. Kasi ang hakbang mo dun pakonti konti lang hanggang makarating ka sa counter para bumili ng ticket. Madalas hanggang ibaba ng hagdan, hanggang kalsada pa ang pila. Dati masarap mag MRT kasi mga naka neck-tie, mababango at white collar employees ang madalas mong makakasabay. Ngayon halo halo na. May lasing, adik, kakalabas lang sa construction, pokpok, bakla, tomboy – all representatives of the godforsaken Philippine society andun, at ang isa pang siguradong present dun tuwing umaga ay ang mga mandurukot. Madals mo nga marinig dun ang mga linyang ito, “Next station – Cubao Station – Cubao Station, iwasan po lamang na sumandal sa magkabilang pinto ng tren at humawak sa mga handrails – MAG INGAT NA RIN PO SA MGA MANDURUKOT !” How ironic, kasi una, wala kang choice kundi sumandal sa pinto kung dun ka nakapwesto kasi nga siksikan, tapos di mo na rin kelangan humawak sa handrails kasi kahit ma-derail ang tren di ka matutumba, kasi nga wala ng space para tumbahan mo! Tapos, what?... mga mandurukot, .. mas masaya siguro kung dagdagan na nila “Mag-ingat sa mga mandurukot, mamamatay tao, manyak, at lalong lalo na sa may putok sa kili-kili.”


“Teka, ano ba naiipit mo na ang boobs ko!”, sabi ng isang babaeng disente ang damit pero mukhang pokpok. “Eh, miss mag taxi ka na lang kung ayaw mong masiksik! First time mo ba?” sabi naman ng manyak. Tapos madalas maririnig mo ang mga “sawsaw pasengers” na di naman talaga involve, “Kaya nga naka separate na ang mga babae! Dito pa rin kayo siksik ng siksik!.” E siyempre masasaktan ang iba pang babae na nandun… at yun na ang simula ng civil war.
Sabi nga nila, pag sumakay ka daw ng MRT o kaya LRT pag rush hour, pag labas mo di ka na virgin. Ke lalake ka pa o babae.


Dati nga nagka second degree burn ako dahil sa MRT. Kasi madalas, literal na parang sardinas in “pawis-sauce” ang drama sa loob ng MRT. Tapos yung butihing asawa ng mga construction worker at kung sino sino pa e pinagbabaon yung mga mister nila sa umaga ng napakainit na kanin at ulam. Ibabalot sa plastic o kaya sa pang-mahirap na baunan tapos ilalagay sa bulsa ng backpack. E ang malas ko kasi sinigang ata ang baon ng katabi ko para sa kanyang lunch. At wala siyang pakialam kung kanino mapadikit ang backpack niya. Ang kawawang AKO naman ang malas na nakakatabi niya. Ang lintik na yun, natuwa pa nung nagulat at napaso ako. Siyempre likas na peaceful na tao ako.. so ipinag pray ko na lang na sumabog sa bag niya ang baon niyang sinigang at mahulog siya sa hagdan ng MRT, magpagulong gulong, at maging biktima ng stampede. At tsaka kasi mukha siyang mason sa construction site, at nasilayan ko rin na may tattoo siya sa braso. Dalawang magkapatong na puso, tapos may nakatusok na arrow na may konting dugo at may rose na mukhang gumamela – tattoo ng typical na probinsyanong adik. So, ako na isang simpleng mamamayan, takot mamatay at may mga pangarap sa buhay, ay tiniis na lang ang paso na dulot ng pesteng sinigang na baon ng isang-takas-sa-munti-cum-construction worker na probinsiyanong adik.


At pagkatapos ng lahat ng pagsubok, pasakit, stress, pagtakbo, pakikipagsiksikan, test of patience at paglanghap ng sariwang usok - sa wakas!! nakarating din sa office, kahit na 11 minutes late, - ahhh, aircon, unlimited coffee, petiks, bolahan with co-workers…


Pero teka… bakit ang aga ng boss ko?... at nakasimangot!!!! OMG!! Ibang pakikipagsapalaran naman ito…

No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.