Top Adsense

12 GOVERNMENT LABORATORIES PUMALIT SA PRC SA PAGSASAGAWA NG SWAB TEST SA MGA OFWs, SEAFARERS


Kasunod ng paghinto ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagsasagawa ng swab o RT-PCR testing para sa mga dumarating na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Terminals 1, 2 at 3 ng NAIA simula noong Oct 15, labindalawang (12) government laboratories ang nagtutulong-tulong ngayon upang punan ang pangangailangan sa serbisyo dito. 

Bagama’t nagdulot ng pansamantalang delay sa pag-release ng mga resulta ang mga unang araw ng biglang paghinto ng Red Cross sa pagsasagawa ng swab test, dahil sa pagtutulungan, commitment at spirit of volunteerism ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay maayos nang natutugunan ang mga pangagailangan ng mga umuuwing OFWs, kasama na dito ang maibsan ang pabigat na malaking gastusin sa pagsasagawa ng swab test dahil libre ito para sa ating mga bagong bayani. 

Sinisiguro ng pamahalaan na tuluy-tuloy at walang-patid na ang pagsasagawa ng libreng swabbing para sa mga OFWs sa mga airports. Wala nang magiging balakid, gaya nang nangyaring insidente, sapagkat gobyerno na ang may hawak ng lahat ng aspeto nito.

Kasalukuyang naglilingkod sa NAIA ang 12 sumusunod na laboratoryo: 


1) Lung Center of the Philippines; 

2) Philippine Genome Hospital; 

3) PNP Crime Laboratory; 

4) San Lazaro Hospital; 

4) Sta Ana Hospital; 

5) UP National Institute for Health; 

6) Dr. Jose N Reyes Memorial Hospital; 

7) Jose B Lingad Memorial Hospital; 

8 ) Las Pinas General Hospital; 

9) Ospital ng Imus; 

10) Research Institute for Tropical Medicine (RITM);

11) Philippine Children’s Medical Center (PCMC); at 

12) Central Visayas Molecular Laboratory sa Cebu. 


Sa pangunguna ng DOH, ang mga laboratoryong ito ay boluntaryong tumangap ng kani-kanilang quota ng sample na ipo-proseso, ayon sa kanilang kakayahang makapaglabas ng swab test result sa loob ng 48 oras. Walang-atubiling tinanggap ng 12 mga laboratoryong ito ang hamon ng pagproseso sa humigit-kumulang 3,000 samples kada araw.

Sa ngayon, mayroon nang 21,238 OFWs ang natugunan ng  mga government laboratory volunteers na agad namang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng Hatid Probinsya Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). 

Ang mga pauwi ng Visayas at Mindanao ay hinatid sa pamamagitan ng chartered flights, at mga taga-Luzon naman ay pinasakay sa mga dedicated buses mula sa PITX. 

Isang grupo naman ng mga Information Technology (I.T.) experts ang tumulong sa pamamagitan ng paglikha ng isang Automated System upang gawing paperless at nang mapabilis ang lahat ng yugto sa pagproseso, mula sa pag-fill up ng tinatawag na Case Investigation Forms pagdating ng mga OFWs sa Airport, hanggang sa ma-release ang kanilang test  results at mabigyan ng Quarantine Certificates ng BOQ. 

Ang mga Philippine Coast Guard medical personnel naman ay patuloy na nagsasagawa ng actual swabbing ng mga samples na dinadala sa iba’t ibang laboratoryo sa pamamagitang ng mga delivery vehicles ng CAAP at PCG. Ang mga swab test samples patungong Cebu ay isinasakay sa mga OWWA Hatid Probinsya flights araw-araw.

Tumutugon naman ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga personal na problema at iba pang pangangailangan ng mga OFWs. 

Sa kabilang banda, ang Department of Tourism (DOT) ang siyang nangangasiwa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga dumarating na NON OFWs sa mga paliparan. Ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tulong-tulong na itinataguyod ang One Stop Shop (OSS), na pinangungunahan ng DOTr, sa ilalim ng direktiba ng Task Force for the Management of Returning Filipinos.


Source:  https://www.facebook.com/coastguardph/posts/631622827506375



ONE-STOP SHOP (OSS) HOTLINES FOR RETURNING OVERSEAS FILIPINOS
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Mobile Numbers:
- 0917-876-8573
- 0917-802-2224
- 0906-592-1157
Telephone Numbers:
(+632) 8877-1109 loc. 3079
(+632) 8823-0669







No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.