Top Adsense

SAKAY.PH Mobile App Para sa mga Pasahero | Real-time Tracking at Driver's Rating ng mga Commuters

SAKAY.PH Mobile App | Real-time Tracking at Driver's Rating ng mga Commuters


COMMUTERS, MAAARI NANG MATUKOY ANG REAL-TIME LOCATION AT MAKAPAGBIGAY NG RATING SA MGA DRIVER NA KASALI SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM GAMIT ANG SAKAY.PH


Inaanyayahan ang mga commuter na mag-download ng Sakay.ph Mobile Application kung saan makakahanap ang pasahero ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) o ng Public Utility Buses (PUB) na masasakyan bago umalis ng bahay dahil makikita na ang kanilang real-time location sa naturang app.


Bukod pa sa real-time location ng mga TPUJ, MPUJ at PUB, malalaman din ng pasahero ang mga suggested routes na pwede nilang daanan para mapabilis ang kanilang pagdating sa destinasyon.


Narito ang bilang ng mga rehiyon na sakop ng Jeepney at buses Live Location Tracking App:


NCR - 394 Routes 


Region 1 - 118 Routes 

Region 2 - 18 Routes 

Region 3 - 18 Routes 

Region 4 - 87 Routes 

Region 5 - 32 Routes 

Region 6 - 37 Routes 

Region 7 - 11 Routes 

Region 8 - 13 Routes 

Region 9 - 26 Routes 

Region 10 - 11 Routes 

Region 11 - 6 Routes 

Region 12 - 9 Routes 

CARAGA - 49 Routes 

CAR - 18 Routes


Ang mga TPUJ, MPUJ at PUB na makikita sa SAKAY.PH APP ay kasali sa Service Contracting Program at inaasahang dadami pa ang mga bubugksang ruta ng mga Public Utility Vehicles (PUV) mula sa iba't-ibang rehiyon para madagdagan ang bilang ng mga TPUJ, MPUJ at PUB na papasada sa ilalim ng programa.


Bukod pa rito, puwede na ring magbigay ng rating ang mga pasahero sa mga driver ng sinakyang TPUJ, MPUJ o PUB. Ang commuter feedback feature ng Sakay.ph Mobile Application ay magbibigay daan para sa mga commuter na magbigay ng tugon tungkol sa serbisyo ng mga driver na kabilang sa programa. 


Makakapagbigay ang mga commuter ng 1 to 5 star rating sa kanilang drayber base sa mga sumusunod na kategorya: 


- Kung maganda ang pag-uugali at asal sa daan ng drayber;

- Kung well-maintained at malinis ang vehicle;

- Kung naging maayos ang karanasan ng pasahero sa kaniyang biyahe;

- Kung naging ligtas ang biyahe ng pasahero;

- Kung gaano katagal naghintay ang pasahero para siya ay makasakay.


Ang feedback at rating ay dumadaan sa kritikal na pagsusuri kung tama at naaayon ang ibinigay sa driver. Base sa rating at feedback ng mga commuter, maaaring madagdagan o mabawasan ang performance-based subsidy ng mga driver.


Maaaring i-download ang Sakay.ph Mobile Application sa App Store para sa iOS at Google Play para sa Android o i-click ang link na ito: https://get.sakay.ph/sendfeedback.



Panoorin:


PAALALA: Sa mga PASAHERO, DRAYBER at KONDUKTOR ng Pampublikong Sasakyan - MRT, LRT, BUS, JEEPNEY





Air Pollution Awareness - Perwisyong Usok, Pigilan - Malinis na Sasakyan Para sa Malinis Na Hangin





MRT-3 TRACE Paano Gamitin? MRT 3 Trace Web App | Contact Tracing Website | Metro Rail Transit Line 3





No comments:

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.