Top Adsense

Alamin ang 12 SCAMonsters of Christmas! Wag Maging Biktima [Paalala Mula sa DTI]

 

Christmas Scams sa Pilipinas scammer sa Pasko

Ngayong Christmas season, laganap ang iba’t ibang sales and promotions ngunit laganap rin ang samot-saring scams! Ating alamin ang 12 SCAMonsters of Christmas!



1. FAKE CHARITIES


FAKE CHARITIES


Ang mga SCAMonsters na ito ay mahilig mag take-advantage ng iyong generosity at compassion para sa nangangailangan.


HOW TO SPOT THEM:


Hindi pa narinig ever ang institution na kanilang kinabibilangan. Huwag magpadala sa pressure, voluntary ang donation. Say NO!


HOW TO DEFEAT THEM:


Mas maiging lumapit mismo sa mga kilalang organisasyon at mag donate ng nais na tulong o suporta. Mag-research muna nang maigi.



2. HOLIDAY SMISHING


HOLIDAY SMISHING


"SMiSishing" is phishing via text message: "Maligayang pasko! Kamusta na kayo? Ito ang bago kong Roaming number!"


"YOU have won our Christmas raffle! Per DTI permit <random number>"


HOW TO SPOT THEM:


Kahina-hinalang text messages galing sa di kilalang numero.


HOW TO DEFEAT THEM:


I-report agad ang number na ginamit na pang-send ng SMS sa iyong service provider para mablock at hindi na makapangbiktima pa.



3. CYBER THIEVES


CYBER THIEVES


Cyber thieves: "Ho-ho-ho! Download this new app and get this new gadget for free! Just enter your bank details!"


HOW TO SPOT THEM:


Maging matalino sa pagdownload ng mga Mobile Applications. Baka na-hack na 'yung phone mo at nakuha na lahat ng information tungkol sayo.


HOW TO DEFEAT THEM:


Magdownload lamang sa official stores. I-review ang "permissions" ng app bago i- download. Huwag basta-basta maglalagay ng bank information online.



4. BOGUS GCs


BOGUS GCs



Bogus Gift Certificates: "Happy Holidays! BUY this set of Gift
Cards from various outlets for only <insert too good to be true amount>" SCAMonster yan!


HOW TO SPOT THEM:


Kunyari agents sila at naglalakad lang sa mga malls.


HOW TO DEFEAT THEM:


Gift cards/gift certificates from unauthorized sellers spell fake. Mas maigi kung mismong sa establishment ka bumili ng GCs.



5. HOLIDAY RAFFLE UNREGISTERED PROMO



HOLIDAY RAFFLE UNREGISTERED PROMO


Holiday Raffle: "Noche Buena package! Free delivery nationwide! For only 500 pesos! Raffle on Dec. 20! Para mas maging masaya at makabuluhan ang inyong pasko!"


HOW TO SPOT THEM:


Mahilig silang magkalat ng post sa social media. Madalas too good to be true!


HOW TO DEFEAT THEM:


Sumali lang sa mga lehitimong raffle o promo. I-check sa IregIS ang mga approved sales promo: http://iregis.dti.gov.ph/



6. MALICIOUS E-SHOPPING WEBSITES



MALICIOUS E-SHOPPING WEBSITES

RAWR! Hindi lahat ay "Santa's little helper," baka ang monito at monita mo ay ma- disappoint kung ang binili mo online ay hindi mai-deliver.


HOW TO SPOT THEM:


- Hindi secured ang URL (o link)
- Maraming "click advertisement"
- Walang terms and conditions


HOW TO DEFEAT THEM:


Ugaliing magbasa ng review o customer feedback sa mga bibilhing produkto online. Siguraduhing may return/refund policy din na nakasaad sa kanilang platform.



7. ONLINE GADGET GIVEAWAY


ONLINE GADGET GIVEAWAY


"Gusto mo ba ng bagong flatscreen TV, or latest model ng smartphone? Madali lang yan: like, share, and comment ka lang! Spam all of your friends!"


HOW TO SPOT THEM:


Unverified (and sometimes fake!) ang gamit na social media account


HOW TO DEFEAT THEM:


Don't be a peddler of misinformation! Once matukoy na fake ang account, report the page kaagad!



8. NETWORKING/ PYRAMIDING SCAMS


NETWORKING/ PYRAMIDING SCAMS


"Pare, open-minded ka ba? Gusto mo ng business? Sit back, relax, and enjoy the holidays, wala kang gagawin bigay mo nalang sakin bonus mo..."


HOW TO SPOT THEM:


Kahina-hinalang mga pangako (i.e., high returns in a short period of time, easy money/passive income)


HOW TO DEFEAT THEM:


Sa Negosyo Center, libre lang ang consultation, pati na rin ang mga seminar at mentorship programs para sa trip mong negosyo. Burnisita lang sa www.dti.gov.ph/negosyocenter para sa karagdagang impormasyon!



9. UNREGISTERED CHRISTMAS SALE


UNREGISTERED CHRISTMAS SALE


Holiday Rush? SALE daw kaya GO na agad! Mag ingat baka SCAMonster din yan. Imbis na makatipid, mas mapapagastos ka pa.


HOW TO SPOT THEM:


Walang DTI permit ang mga poster o print ads


HOW TO DEFEAT THEM:


Huwag tangkilikin ang mga walang DTI permit! Turnawag sa Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI sa numerong (+632) 7215.1165 or i-email kami sa FTEB@dti.gov.ph!



10. FREEBIE SCAMS


FREEBIE SCAMS


"Happy holidays, mamser! Bilhin 'nyo lang po itong bagong produkto namin, mayroon ka nang libreng rice cooker at blender!"


HOW TO SPOT THEM:


Mga kahina-hinalang agents na lalapit at mag-aalok sayo ng freebies sa isang kondisyon: bibili ka ng kanilang mga produkto.


HOW TO DEFEAT THEM:


Maging vigilant! Hindi ito maituturing na freebie kung may kapalit itong items na bibilhin. Ihambing ang presyo ng mga produktong magkakatulad, at huwag agarang pipirma sa mga kontrata! I-check sa IregIS ang mga approved sales promo: http://iregis.dti.gov.ph/



11. HOLIDAY DECORS GONE WRONG


HOLIDAY DECORS GONE WRONG


Kumukutikutitap, bumubusibusilak... 'wag lang sanang lumagablab ang holidays ninyo dahil sa mga sub- standard na decors!


HOW TO SPOT THEM:


Walang ICC sticker o PS mark ang mga produkto


HOW TO DEFEAT THEM:


Laging ugaliing hanapin ang ICC sticker sa mga Christmas Lights para iwas-disgrasya. Ang mga produktong may ICC sticker ay pumasa sa DTI's mandatory safety tests. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa: http://www.bps.dti.gov.ph/



12. ATM SKIMMING


ATM SKIMMING


Say goodbye to your year-end bonus! Ang SCAMonster na ito ay nagnanakaw sa bank account ng users sa pamamagitan ng pasikretong pagre-record ng data through ATMs.


HOW TO SPOT THEM:


Mga ATM na may di pangkaraniwang mga features (i.e. naka-usling card reader o camera na tila wala sa lugar). Madalas na ang mga ATM na ito ay nasa 'di matataong lugar.


HOW TO DEFEAT THEM:


Be wary of the teller machines when YOU conduct your transaction: always check the card slot, keypad, cash dispenser, and even your surroundings!

Tumawag sa hotline number ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP): (02) 8 708.77.01.





1 comment:

  1. True.. Scammers take advantage of holidays esp. Christmas to scam people. I was once a victim. Here are other scamonsters that may help you: https://www.youtube.com/watch?v=eU34-yy2RGA

    ReplyDelete

Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?

Powered by Blogger.