Ano Ba Ang PALAWAN CHERRY - Talaga Bang Meron Nito at Mainam Ba Silang Itanim?
Ang balayong ay maliliit na bulaklak na kulay pink na sumisibol sa pagitan ng buwan ng Marso at Abril. |
Dahil sa pagiging inggitero nating mga Pilipino, ninais din nating magkaroon ng tinatawag na 'sakura' o 'cherry blossoms' na sikat sa ibang bansa lalo na sa Japan.
Dahil dito ay naglipana mula noong mga nakaraang taon ang pagbenta o pagtanim ng tinatawag na 'Palawan Cherry Blossoms'. Katulad ng mga cherries sa Japan ay may pink din itong bulaklak na kapag nag-bloom ay napakaganda rin. Pero 'di pa ba sapat ang narra, malabulak, o banaba natin?
Ano ba itong 'Palawan cherry'?
Photo Credits: Maxine Gail via Pinterest |
Ang 'Palawan cherry' na laging nakikita sa social media ay maaaring tumutukoy sa punong balayong.
Ang balayong ay siyang local term para sa mga punong Cassia javanica L., Cassia fistula L., at Cassia grandis L.f. na hindi mga native sa Pilipinas.
Kung hindi native, paano sila nakapunta sa Pilipinas?
Palawan cherry blossom tree or local name "balayong" |
Walang kasiguraduhan kung paano ba napunta sa Pilipinas ang mga naturang species ng Cassia pero may mga teorya.
May ilang nagsasabi na sila raw ay prehistorically introduced sa bansa. Ibig sabihin ay matagal nang naidala sa bansa at maaaring naturalized na rin.
Maaring naipunta dahil sa kalakalan o migrasyon. Kaso muli, walang katiyakan dahil walang published research article na nagpapatunay dito.
Ayon naman sa dating botanist na si Leonard Co, ang 'Palawan cherry' ay Cassia nodosa raw na ngayon ay itinuturing ng subspecies ng Cassia javanica. Ang Cassia javanica nodosa ay native sa Java and Sumatra. Sila rin ay maaaring naidala din sa bansa ilang daang taon na ang nakakaraan.
Ayon naman sa iba, ang 'Palawan cherry' ay isa raw hybrid ng Cassia (Cassia X 'Palawan Cherry'). Kung paano ito naging hybrid ay walang nakakaalam. Walang pananaliksik o published research article na nagpapatunay nito.
Ayon naman sa iba, sila raw ay dinala noong 60s o 70s sa Palawan para gawing dekorasyon o pampaganda sa kalsada o sa mga tanawin. Ito na rin ay dahil sa kagustuhang magkaroon ng cherry blossoms sa bansa. Kaso muli, ito ay sabi-sabi lamang at hindi verified o napatunayan para masabing fact. Gayunpaman, halos karamihan ay naniniwala na ang 'Palawan cherry' ay hindi native sa bansa.
Pero minsan naman, may tumatawag na ring 'Palawan cherry' sa ibang puno tulad ng Tabebuia rosea na may pink din na bulaklak. Katulad ng mga ibang Cassia ay hindi rin ito native sa Pilipinas. Ito ay native sa Mexico, Central America hanggang sa Venezuela at Ecuador.
TAMA BA ANG SALITANG PALAWAN CHERRY?
Cherry Fruit |
Base sa mga naunang nabasa, maraming tanong na gustong masagot patungkol sa 'Palawan Cherry'. Pero ang pinakapangunahing tanong talaga ay: Di ba iyong terminong 'Palawan Cherry' ay confusing?
Kasi una, hindi naman siya native sa Palawan. Lahat ng sinasabing maaaring tumukoy sa 'Palawan Cherry' ay hindi native o endemic sa Palawan. Dinala lamang sila sa Palawan.
Pangalawa't huli, hindi naman siya cherry. Ang 'cherry' ay tumutukoy lamang sa ilang halamang miyembro ng genus 'Prunus'. Hindi naman Prunus ang mga tinutukoy nating 'Palawan cherry'.
Confusing di ba?
MAY IBA PA BANG PUNO NA TINUTUKOY NA BALAYONG?
Dagdagan ko pa ang kaguluhan natin. Ang salitang balayong ay maariring tumukoy sa ibang puno.
Afzelia rhomboidea (tindalo/bayong) |
Una ay ang tindalo o Afzelia rhomboidea (Blanco) Fern.-Vill. na native sa Pilipinas at kasalukuyang naka-classify as 'Vulnerable'. Tinatawag din itong balayong sa ibang lugar.
Puno ng supa o Manopo (Sindora supa Merr.) |
Minsan ang balayong ay tumutukoy din sa punong supa o manopo (Sindora supa Merr.). Ito naman ay native at endemic sa Luzon at sa Mindoro. Ito ay naka classify din na 'Vulnerable'.
O 'di ba, ang gulo no? Mahalaga talaga ang scientific names.
ANO NA TALAGA ANG GAGAWIN SA PALAWAN CHERRY?
Hindi tayo tiyak kung ano talaga ang kasaysayan o tunay na identidad ng 'Palawan Cherry'. Ngunit, mas matimbang nga na ituring ang 'Palawan Cherry' na exotic o non-native na puno sa Pilipinas. Ngunit hindirin natin sigurado kung ito ba ay invasive.
Gayunpaman, mas mainam ng maging maagap. Pakakatandaan na mas magandang itanim ang native trees dahil ito ay mas mainam para sa kalikasan at sa atin.
MAY ALTERNATIBO BA SA PALAWAN CHERRY?
Kung ang nais lamang natin ay kagandahan katulad ng 'sakura' o 'cherry blossoms' ng Japan ay marami naman tayong alternatibo na mga puno na mas mainam pa itanim.
Tandaan! Sila ay native at mas madali pa minsang alagaan. Hindi mo pa kailangang bumili ng napakamahal ng mga buto o punla dahil kadalasan ay makikita lang sila kung saan-saan o di kaya'y may ilang Native Tree Advocates na willing mamigay.
Ano ba ang mga alternatibo?
Salingogon (Cratoxylum formosum (Jack) Dyer)
Salingogon (Cratoxylum formosum (Jack) Dyer) |
Ang salingogon ay native sa Pilipinas at maaring tumaas ng hanggang 35 meters. Ito ay kadalasang namumulak sa dry season. May mga pink itong bulaklak katulad ng 'cherry blossoms'.
Salimbobog o Balai-Lamok (Crateva religiosa G.Forst.)
Salimbobog o Balai-Lamok Flower (Crateva religiosa G.Forst.) |
Ang salimbobog o balai-lamok ay native sa Pilipinas. Mayroon itong magagandang bulaklak na makikitaan ng kulay ng puti, dilaw at violet. Kilala din ang bulaklak nito sa mahahaba nitong stamen. Ano ang stamen? Secret!
Narra (Pterocarpus indicus Willd.)
Bulaklak ng Puno ng Narra (Pterocarpus indicus Willd.) |
Ang narra ay maganda ring itanim na puno. Maliban sa pagiging dilawan nito dahil sa dilaw nitong bulaklak, ito rin ay native sa bansa. Madali lang ding patubuin ang buto ng narra. Sabi nila, ewan ko. Basta 'wag kalimutan ang pambansang puno!
Molave o mulawin (Vitex parviflora Juss.)
Bulaklak ng Puno ng Molave o Mulawin (Vitex parviflora Juss.) |
Ang molave o mulawin ay native sa Philippines, Malaysia at Indonesia. Tinatawag din siyang tugas sa Visayas o amagauan sa Cagayan Valley. Ang bulaklak naman nito ay purplish-blue. Kilala rin ito sa kanyang matigas at magandang kahoy.
Banaba (Lagerstroemia speciosa (L.) Pers.)
Bulaklak ng Puno ng Banaba (Lagerstroemia speciosa (L.) Pers.) |
Kilala ang banaba sa kanyang violet na bulaklak. Kilala rin ito ng may mga mataas ang sugar dahil ito raw ay nakakagamot ng diabetes. Ito ay native sa Pilipinas at karatig na bansa.
Malabulak (Bombax ceiba L.)
Bulaklak ng Puno ng Malabulak (Bombax ceiba L.) |
Ang malabulak ay native din sa Pilipinas. Pero kadalasan, nalilito ang mga Pilipino dito at naipapalit nila ito sa kapok (Ceiba pentandra (L.) Gaertn.) o sa fire tree (Delonix regia (Boj. ex Hook.) Raf.) na parehong non-native o exotic.
Ipil (Intsia bijuga (Colebr.) Kuntze)
Bulaklak ng Puno ng Ipil (Intsia bijuga (Colebr.) Kuntze) Image Source: Monaco Nature Encyclopedia |
Native din ito sa Pilpinas kaso malapit na ring maubos dahil sa illegal logging at deforestation. Maganda kasi ang timber o kahoy na nakukuha rito. Pero take note! Iba ito sa ipil-ipil! Ang ipil-ipil o river tamarind ay non-native sa bansa.
Dita (Alstonia scholaris (L.) R.Br.)
Bulaklak ng Puno ng Dita o tangitang, tanitan, o alipauen (Alstonia scholaris (L.) R.Br.) |
Ang dita ay tinatawag ding tangitang, tanitan, o alipauen sa ibang lugar. Ito ay kilala ring medicinal plant. Kadalasan ay ito ay namumulaklak sa buwan ng Oktobre. Iyon lang aking masasabi at wala na akong ma-Google.
Ilang-ilang (Cananga odorata (Lam.) Hook.f. & Thomson)
Bulaklak ng Puno ng Ilang-ilang (Cananga odorata (Lam.) |
Ang ilang-ilang ay kilala sa bansa dahil sa mabango nitong bulaklak na kadalasan ay kasama sa mga nilalakong sampaguita sa may simbahan. Ito ay native sa Pilipinas. Ginagamit ito sa paggawa ng pambango. Isa rin itong dilawan na puno.
Bagilumbang (Reutealis trisperma (Blanco) Airy Shaw)
Bulaklak ng Puno ng Bagilumbang (Reutealis trisperma (Blanco) Airy Shaw) |
Ang bagilumbang o Philippine Tung Tree ay endemic sa Pilipinas. Ibig sabihin ay dito lang sa bansa makikita. Ito ay kasulukuyang naka-classify na 'Vulnerable' dahil sa deforestation at logging.
Tan-ag (Kleinhovia hospita Linn.)
Bulaklak ng Puno ng Tan-ag, bantana, bignon, lapnis o tanak (Kleinhovia hospita Linn.) |
Ang tan-ag ay kilala ring bantana, bignon, lapnis o tanak sa ibang lugar. Ito ay native sa Pilpinas. Ang batang mga dahon nito ay ginagawang gulay sa ibang lugar. Isa rin itong KakamPINK dahil sa pink nitong bulaklak.
Patalsik pula (Decaspermum blancoi Vidal)
Bulaklak ng Puno ng Patalsik pula (Decaspermum blancoi Vidal) |
Ang patalsik pula ay endemic sa Pilipinas. Dito lamang siya matatagpuan. Kung bakit siya 'patalsik pula' ay hindi ko rin alam. Ngunit kilala siya sa kanyang magandang puti na bulaklak na may pink na stamens.
SO, IN SUMMARY...
Ang 'Palawan cherry' ay hindi lang sa Palawan makikita. Hindi rin ito cherry. Most likely ay hindirin ito native sa bansa. Ngunit hindi tayo sigurado kung ito ay invasive.
Gayunpaman, mas mainam nang maging maingat. Marami namang alternatibong puno o halaman kapalit ng 'Palawan cherry' na may mas maganda pang itsura o kulay.
Tangkilikin ang sariling atin. Itanim ang atin. Para sa kalikasan at kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.
Sa Native Trees Tayo!
Source / Credits:
SAMOT SARING KAALAMAN SA SARIBUHAY
Project BiodiverCitizen - by Kits Quitoriano
Project BiodiverCitizen wants to initiate actions that are science-based, relevant, and engaging and relatable to people towards biodiversity conservation and management.
No comments:
Got Something to Say? Thoughts? Additional Information?